43

By

Gonzaga didikdikin ang Chef’s Classic

Pipilitin ng Pacific Town Army na bumalikwas mula sa pagkatalo pagharap kontra win-less Chef’s Classic sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 Miyerkoles, alas-2 ng hapon, sa FilOil Flying V Centre.

Sa second game, banatan ang Creamline at BaliPure sa alas-4 ng hapon habang main game ang Motolite kontra Air Force sa alas-6 ng gabi.

Babalikatin nina Jovelyn Gonzaga at Royse Tubino ang Lady Troopers kontra Lady Red Spikers. Kumana ng 13 points si Tubino sa huling laban samantalang may 10 excellent digs at 6 excellent receptions naman si Gonzaga.

Aasa naman ang Chef’s Classic kay Nieza Viray upang makahirit na nng panalo matapos kapusin ang kanyang 8 points kasama ang 12 excellent digs kontra Creamline.

Hawak ng Pacific Town ang 4-4 karta habang nananatiling bokya ang Chef’s Classic saw along asignatura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?