527

By

Golden State ‘wag ismolin – LeBron

Matapos magwagi ang Golden State Warriors kontra Houston Rockets sa Game 6 para umabante sa West finals, ipinahatid ng dating mahigpit na karibal ng koponan ang kanyang pagbati sa mga reigning champs.

Sa tweet ni Los Angeles Lakers star LeBron James, kanyang pinuri ang Golden State sa kanilang 118-113 win.

Matagal nagkaharap ang GSW at Cleveland Cavaliers sa NBA finals, bumuo ng rivalry sa nagdaang apat na taon.

Ngunit napatid ito matapos lumipat ni James sa Lakers, hindi nakatungtong sa playoffs dahil tumapos lamang sa ika-10 pwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?