285

By

Gold medal sinantabi! PH surfer Casugay niligtas ang kalabang Indonesian

Abot-tanaw na ang gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games, ngunit mas mahalaga sa PH surfer ang kaligtasan ng kanyang kalaban kaysa ang medalya.

Sa post na binahagi ng 2019 Southeast Asian Games Facebook page, nakita kung paano niligtas ni Roger Casugay ang kalabang Indonesia sa gold medal match sa surfing sa Monalisa Pt, San Juan, La Union.

“In the midst of the men’s longboard open competition for surfing, Indonesia’s Arip Nurhidayat broke his leash and was swept away by the waves,” ayon sa post.

“This is the best thing I’ve seen this day. Definitely made my day. What a good SEA Games this year is,” ayon kay Ronald Ray Tiu Ensalada.

“Saving life is more important than a gold medal and human life is precious than this precious metal award,” saad naman ni Leo Loyola Canayong.

Postponed naman muna ang laban para sa men’s longboard event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?