18,462

By

Gobyerno nagbabayad dahil sa mga natalong kaso ni Hilbay – Duterte

Walang naipanalong kaso kaya nagbabayad ngayon ang gobyerno ng mga danyos sa mga natalong kontrata.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kay dating Solicitor General Florin Hilbay na kandidato sa pagka-senador sa midterm elections sa Mayo.

Ayon sa Pangulo, maraming binabayaran ang gobyerno sa ngayon dahil nabigo si Hilbay na ipagtanggol ang mga hinawakang kaso ng pamahalaan.

Kilala aniya noon ang Pilipinas bilang bansang hindi sinusunod ang obligasyon sa mga pinasok na kontrata.

“Ito si Florin Hilbay, solicitor general. Wala namang naipanalo. Nanalo ba tayo sa kaso natin? Karami nating bayad, totoo lang ngayon. Hindi akin, previous administration mga damages, mga kontrata because we were known then as a country who does not honor contractual obligations,” anang Pangulo.

Wala aniyang magiging silbi kung ilagay sa balota ang pangalan ni Hilbay dahil wala itong napatunayan noong siya ang naging Solicitor General ng bansa.

Idinamay din ng Pangulo sa kanyang banat kay Hilbay ang kasintahan nito na si Agot Isidro na hayagan din kung batikusin ang Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?