43

By

Go, Dela Rosa, Tolentino, 9 pa, prinoklama nang senador

Pormal nang idineklara ang 12 senador na uupo bilang mga mambabatas ng bansa.

Sa Philippine International Convention Center, nagsama-sama ang mga senator-elect para sa kanilang proklamasyon, Miyerkoles ng umaga.

Pasok pa rin sa Senado ang mga re-electionist na sina Cynthia Villar, Grace Poe, Pia Cayetano, Sonny Angara, Lito Lapid, Koko Pimentel, at Nancy Binay.

Samantala, nahalal naman sa kanilang first term bilang Senador sina Bong Go, Bato dela Rosa, Imee Marcos at Francis Tolentino – lahat ay suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Muli namang nakabalik si Bong Revilla sa pwesto matapos madetine dahil sa plunder case kaugnay ng pork barrel scam.

Heto ang mga nakuhang boto sa final tally ng Commission on Elections:

1) Cynthia Villar – 25.119 million

2) Grace Poe – 21.913 million

3) Bong Go – 20.456 million

4) Pia Cayetano – 19.635 millions

5) Bato dela Rosa – 18.805 million

6) Sonny Angara – 18.043 million

7) Lito Lapid – 16.881 million

8) Imee Marcos – 15.732 million

9) Francis Tolentino – 15.37 million

10) Koko Pimentel – 14.55 million

11) Bong Revilla – 14.547 million

12) Nancy Binay – 14.449 million

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?