33

Jul 27, 2018 @ 15:04
By

GMA, walang balak maging prime minister

Itinanggi ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na tinatarget nito ang pagiging prime minister sakaling matuloy ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno tungo sa federal form sa pamamagitan ng Charter change.

“No, no, no, no. Not true,” ang sagot ni GMA sa tanong kung balak nitong maging prime minister.

Ayon kay Arroyo, black propaganda lamang ang mga naglabasang impormasyon na hangad niyang maging prime minister at bahagi ng planong ito ang pagluklok sa kanya bilang speaker.


“Look, to be begin with, the proposed Constitution is presidential federal isn’t it? So that’s black propaganda,” ani GMA.

Kasabay nito ay binigyang-diin ng speaker na tutol siya sa “no-el” o “no elections” sa 2019.

“No, definitely I am not supporting term extension,” diin ni Arroyo.

Ang posisyon ni Speaker GMA ay taliwas sa isinusulong ng pinalitan niyang speaker na si Pantaleon Alvarez na nagpalutang ng no-el scenario para bigyang-daan ang pagbabago ng Saligang Batas. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?