1,215

Gloc-9 bumira sa mga kritiko ng Fliptop artist

Nagsalita na rin si Aristotle Pollisco o Gloc-9 tungkol sa pagkakadampot ng kapwa rapper na si Loonie sa isang buy-bust operation noong nakaraang Miyerkoles, Setyembre 18, 2019, sa isang condo sa Barangay Poblacion, Makati.

Saad ng rapper sa Facebook noong Setyembre 21, imbes na makagulo ang mga kritiko, ipagdasal na lang sana na maayos ni Loonie ang kanyang sitwasyon.

“Yung mga daldal ng daldal at post ng post ng kung ano ano. imbis na makatulong kayo lalo pa kayong nakakagulo,” saad ni Gloc-9.

“Ipag dasal nalang natin na maayos ni Marlon sa lalong madaling panahon ang problemang ito dahil sya lang naman ang nasa lugar para ayusin ito,” dagdag niya.

Ayon sa ulat ng pulisya, 15 pakete ng hinihinalang high-grade marijuana o kush ang nakuha kay Loonie, pati na rin sa mga kasamahan nito na sina David Rizon, Ivan Agustin, Albert Alvarez at nakababatang kapatid ng rapper na si Idyll Peroramas.

Kinuwestiyon naman ng ilang netizen ang katibayan ng pulisya dahil isang low-class na mobile phone ang nakumpiska sa buy-bust. May ilang nangampanya sa Twitter ng #FreeLoonie, dahil tingin nila ay set-up ang nangyari sa Fliptop icon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?