70
Globe humingi ng paumanhin sa 7 oras na service interruption
By

Globe humingi ng paumanhin sa 7 oras na service interruption

Humingi ng paumanhin ang Globe Telecom sa mga customer matapos ang pansamantalang pagkaantala ng internet at data service nito na naganap mula 1:30 ng umaga hanggang 8:30 ng umaga nitong Biyernes (Abril 12).

Sa advisory na inilabas ng Globe sa kanilang Facebook page, ipinaliwanag ng telecommunication company na ang naturang service interruption ay dulot umano ng server issue.

Ayon sa Globe, lahat ng apektadong subscribers ng Globe Postpaid, Globe Prepaid, TM, Globe At Home LTE, at Globe At Home Prepaid WiFi ay muli nang magagamit ang kanilang data/internet services.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?