222

By

Giyera ito, hindi beauty contest! – Bato kay VP Leni bilang drug czar

Pinaalalahanan ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa si Vice President Leni Robredo na seryoso ang laban ng admistrasyon kontra sa iligal na droga.

Saad ni Dela Rosa, giyera umano ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan si VP Leni na ang magmamando sa kanyang posisyon bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

“This is war, giyera ito,” sey ni Bato. “You have to fight. Hindi ka pwede pa-cute-cute dito. Hindi ito beauty contest.”

Matatandaan na si Bato ang unang humawak sa laban kontra iligal na droga ni Duterte noong maging Philippine National Police chief noong 2016.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?