436
Gising na! Jinggoy pinatamaan si Zamora sa lumobong kaso ng COVID-19 sa San Juan
Apr 1, 2020 @ 17:34
By

Gising na! Jinggoy pinatamaan si Zamora sa lumobong kaso ng COVID-19 sa San Juan

“Tayo yung pinakamaliit na lungsod sa Metro Manila, tayo pa yung pinakamarami. Samantalang yung Manila, Makati, Mandaluyong, Taguig, Pasig, hindi kasing dami nung satin. Wake up guys!”

‘Yan ang naging pahayag ni dating Senador Jinggoy Estrada dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 positive sa San Juan City.

Ayon kay Jinggoy, ang San Juan ang pinakamaliit na siyudad sa Metro Manila, ngunit isa ito sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 patient sa NCR.

Sa datos base sa dating mayor ng San Juan, nasa 94 na ang COVID-19 positive sa kanilang lungsod mula 1992 hanggang 2001.

Sey ni JInggoy sa kanyang Facebook live noong March 30, dapat ay umaksyon na ang kasalukuyang nakaupo, na si San Juan City Mayor Francis Zamora para mapigilan na ang pagtaas ng kaso sa lungsod.

“Bakit hindi natin ma-contain ang pagpapalaganap ng COVID dito sa ating sariling bayan?” ayon kay Jinggoy. “Ako, ayoko manira pero sana naman gawan ng paraan nung mga kasalukuyang nakaupo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?