72

By

Girian kay Elorde, wala lang kay Romeo

Ilang beses nagkatensiyon sina Terrence Romeo at Nico Elorde sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bigay-todo ang dalawang guard, nagkakagitgitan at nagkakabuhol. Ga-buhok na lang ay magpapang-abot na talaga.

Emosyonal ang unang playoff match ni Romeo laban sa dating team.

Tensiyonado ang laro, ‘di makalasan ng San Miguel Beer ang NorthPort. Pero nang dumikit sa 80-79 ang Batang Pier, mula sa 6:54 mark ay tinapos ng Beermen ang laro sa ikinasang 18-2 run sa sumunod na 5 minutes para itakbo ang 98-84 win.

Inumpisahan ng 3-pointer ni Chris Ross, tinapos ng tres din ni Chris McCullough 1:17 sa laro para sa kampante nang 98-81 lead.

Bago ang finishing run na ‘yun, nagkakagitgitan sina Romeo at Elorde.

Tensiyonado sa loob, pero paglabas ng court ay wala na kay Romeo.

“For me, lahat sa court lang ako,” ani Romeo, tumapos ng 6 points kabilang ang 3 na nagbigay sa SMB ng 78-70 lead 10 minutes pa sa laro.

“Wala namang problema sa akin ‘yun. Lahat ng nangyayari sa akin sa court, iniiwan ko lahat sa court. Kahit na magkatirahan, magkasikuhan, no problem,” dagdag ni Romeo na nilabas ni coach Leo Austria 8:04 sa orasan at ‘di na binalik. “Part ng game ‘yun eh. May mga asaran talaga, part ng game ‘yun may napipikon.”

Emosyon daw ‘yun ng players na parehong gustong manalo.

Nakipagsigawan din si Elorde kay Ross na naItulak nang malakas ng NorthPort guard.

Sinagad ng No. 7 Beermen ang twice-to-beat edge ng No. 2 Batang Pier, napuwersa ang winner-take-all bukas sa Big Dome rin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?