82

By

Ginebra selyado sa No. 3 spot sa pag-abante sa QF

Hindi na matitibag sa ika-tatlong puwesto sa standings ang Barangay Ginebra matapos pundihin ang Meralco 86-76 sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum nitong Miyerkoles ng gabi.

Impresibo ang laro ni Greg Slaughter matapos kumana ng 18 points, 9 rebounds at 2 blocks para sa ikaapat na sunod na panalo ng Gin Kings na tumapos tangan ang 7-3 win-loss slate.

Kahit pa matalo ang Gin Kings laban sa NorthPort at makatabla sa 7-4 baraha ang San Miguel at TNT ay hindi mapapatalsik sa No. 3 spot ang crowd favorite dahil sa superior quotient.

Hindi basta ibinigay ng Bolts ang panalo sa Ginebra dahil naibaba nila sa anim na puntos ang kalamangan ng huli, 73-79, may 2:21 minuto ang nalalabi sa orasan.

Pero agad rumesbak ang Ginebra sa pag-iskor ng pitong sunod na puntos at naiuwi na ang panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?