162

Feb 17, 2020 @ 15:09
By

Ginawang sex den para sa Chinese: Okada, iba pang hotel, ni-raid

Nagsagawa ang National Bureau of Investigation ng raid sa ilang mga malalaking hotel sa Pasay City para sa kanilang pagsugpo sa mga sex den na kadalasang parakyano ay mga Chinese offshore gaming worker.

Binunyag ni NBI Anti-Organized and Transnational Crime Division chief Joel Tuvera na nagsagawa ang kanilang mga unit ng raid sa Okada Manila at Midas Hotel.

Iba pang kanilang pinasok ay ang Eurotel Hotel, St. Giles Makati Hotel, Red Planet Hotel, at ilan pang KTV bar at condotel sa Las Piñas.

Sa Senado ay nagpasa pa ang NBI ng listahan kung saan kasama din ang isang condominium sa Makati at Go Hotel sa Baclaran, na kinontra naman ng pamunuan ng mga nasabing establisimiyento.

Kinumpirma ni Tuvera na mayroong mga na-rescue na kababaihan sa kanilang pag-raid sa mga hotel ngunit hindi dinetalye kung saan ang eksaktong location ng sex den operation.

Ayon kay Tuvera, may mga ilang sex den umano na inookupa ang isa hanggang dalawang floor ng hotel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?