319

By ,

Ginawang sacrificial lamb! DeRozan masama loob sa Raptors

Isang kasaysayan ang inukit ng Toronto Raptors nang makatungtong sa Finals sa unang pagkakataon sa pangunguna ni Kawhi Leonard, pero para kay DeMar DeRozan hindi aniya ito magagawa ng tropa kung hindi dahil sa ilang taon niyang sakripisyo.

Sa isang video interview ng Bleacher Report, sinabi ni DeRozan na dapat kilalanin din siya ng tropa dahil sa nagawa niyang tulong dito.

“Honestly, I don’t think I even said this — I probably said it to my own inner circle — but if it wasn’t for all the years and groundwork that I did before then, none of them things would’ve been possible,” sabi ni DeRozan na na-trade sa San Antonio Spurs kamakailan.

“Yes, I fought, I sacrificed, I pushed the limits to where I had to be the sacrificial lamb. You just have to sit back and understand, like, you know, you are the reason so many things was even possible.”

Matatandaan na nangako ang Raptors kay DeRozan noong 2016 na papipirmahin siya ng five-year deal na may halagang $139 million at inaasahan na tatapusin niya ang kanyang karera kasama si Kyle Lowry.

Inamin din ni DeRozan na nasaktan siya nang biglang itapon ng Raptors sa ibang tropa matapos ang ilang taon niyang paglalaro dito.

“So for that to be gone like that, when you least expect it, it just throws you off guard. You know, we human at the end of the day, and it definitely hits you,” dagdag ni DeRozan.

Kahit na may kinikimkim na sama ng loob, buong puso pa rin na susuportahan ni DeRozan ang Raptors sa kampanya nito lalo sa kanyang best friend na si Lowry.

“I’m rooting for my best friend to do well, to accomplish something that we tried to do all the years, and he has the opportunity to do it,” wika ni DeRozan. “All the guys on that team, they know I’m rooting for them.”

Sa kanyang debut season sa Spurs, nag-average ito ng 21.2 points, 6.0 rebounds at 6.2 assists per game

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?