30

By

Ginawa pang wallpaper! ‘Bastos jam’ ni Malonzo, inspirasyon ni Ravena

Naging defining moment para sa La Salle one and done player na si Jamie Malonzo nang kanyang dakdakan ang King Eagle na si Thirdy Ravena.

Sa unang laro niya sa UAAP kontra sa Ateneo, kanyang nilipad ang depensa ni Thirdy dahilan para biglang mapag-usapan, at napabilang pa sa Mythical Five ng collegiate league.

At tila tumatak din ito sa isip ni Ravena, sapat pa para gawin niyang wallpaper ang larawan ng naturang dakdak.

“It’s been my wallpaper since the picture came out. I see that picture every time I open my phone. Sawang sawa na ako sa picture na yun,” ayon kay Thirdy.

Ngayon ay magkakampi na ang dalawa para sa Mighty Sports, isasantabi muna ang rivalry para sa bayan.

“Kahit anong mangyari sa yo, kahit kaaway mo, di malayong maging teammate kayo. Tulad ng nangyari sa amin, rivals who ended up as teammates. Ganoon talaga sa basketball world,” aniya pa.

Inamin din ni Malonzo na hindi niya rin makalimutan ang nasabing dakdak, madalas na makita sa kanyang Instagram account dahil proud sa kanyang ‘bastos jam’ kay Thirdy.

“We had multiple times talking about it,” sey ni Malonzo. “We even have like these talks where he’s like, ‘Man, what did you say to me?’ And I’m like, ‘Man, I don’t even really know.'”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?