55

By

Ginang utas sa pamamaril sa Quezon

Isang ginang na lubog umano sa utang na pera ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa loob mismo ng kanyang bahay sa Tiaong, Quezon, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng Tiaong police ang biktima na si Rowena Aranas Manalo, 52 anyos, residente ng Sityo Burol, Barangay Lumingon.

Ayon sa ulat, nakaupo umano sa terrace ng kanyang bahay ang biktima at nakikipag-usap sa isang Lyster Arrogancia Cabral, credit consultant ng isang credit corporation, nang ito ay barilin nang dalawang beses ng gunman.

Nagtamo ito ng dalawang tama ng bala sa katawan at namatay noon din.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Inaalam pa ng mga pulis kung may kinalaman sa mga pagkakautang ng biktima ang motibo sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?