212

May 23, 2020 @ 10:09
By

Ginagamit sa korapsyon! Covid naging Corrvid na – Lacson

Nalulusutan ng pangungurakot ang nararanasang pandemya sa COVID-19 ng bansa, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Nilarawan ng senador ang COVID-19 na nag-mutate na umano bilang ‘corruptionvirus disease’.

“The coronavirus disease has mutated into a corruptionvirus disease,” ayon kay Lacson.

Ang maganda lang umano sa ‘Corrvid-20’ ay pwede itong malutas sa pamamagitan ng pagtatanggal sa mga kurakot.

“Unlike the Covid-19 which has no vaccine yet, Corrvid-20 can be cured by removing the infected. If not removed immediately, it can mutate beyond control,” aniya pa.


Walang pinangalanan si Lacson sa nasabing tweet, ngunit matatandaan na sa pagdinig sa Senado ay pinuna nito ang pagbili ng Department of Health ng mga overpriced na medical equipment para sa COVID-19 pandemic.

Isa na rito ang napansin na dobleng presyo ng 10 nucleic acid extractor machines ng DOH na nagkakahalaga ng P4-million, gayong sa pribadong institusyon na Project Ark ay tanging P1.75 million lamang ang kanilang ginastos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?