45

By

Gilas Women may tsansa sa Olympics

Kailangan ng Gilas Pilipinas women’s team na masungkit ang isa sa dalawang mangungunang koponan sa standing matapos ang group eliminations upang makamit ang makasaysayang unang paglahok sa Olympics na isasagawa sa 2020 sa Tokyo, Japan.

Ito ay matapos ihayag ang susunding competition schedule at format para sa FIBA Women’s Olympic Pre-Qualifying Tournaments para sa Asia-Oceania na kinumpirma ng governing body Lunes sa Beirut, Lebanon.

Ang Group A ay binubuo ng New Zealand, Korea, Philippines at China na maglalaro sa bagong The Trust Arena sa Auckland, New Zealand.

Unang makakasagupa ng Gilas Women ang host na New Zealand para sa pagsisimula ng kampanya bago isunod ang matinding Korea. Huli nitong makakasagupa ang China para sa kanilang ikatlo at huling laro.

Ang mga koponan na nasa Group B ay ang Japan, Australia, Chinese Taipei, at India na magsasagupa sa MABA Stadium sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Inaasahan ang matinding labanan sa FIBA Women’s Olympic Pre-Qualifying Tournaments for Asia-Oceania sa MABA Stadium sa Nobyembre 17 sa rematch sa pagitan ng Women’s Asia Cup 2017 Finals na Australia at Japan.

Apat na koponan mula sa Olympic Pre-Qualifying Tournaments for Asia-Oceania ang magkukuwalipika sa Olympics Qualifying Tournaments sa susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?