609
Yeng-Guiao
By

Gilas stint iba sa Team Pilipinas: Yeng kinontra si Chot

Nagsalita ang ngayo’y head coach ng Team Pilipinas na si Yeng Guiao sa mga komento ng dating Gilas coach na si Chot Reyes ukol sa tila pagbibigay-pressure nitong maungusan ang 2014 Fiba World Cup stint ng national team ngayong taon.

Matatandaan na sinabi ni Chot na walang dahilan ang Team Pilipinas na hindi malampasan ang one win performance ng kanyang tropa noong 2014 dahil sa mga kalidad ng mga manlalaro at magandang game shape ni Blatche.

“With this team now, the players that we have, with coach Yeng (Guiao’s) system and with Andray Blatche in shape, there’s no reason for us to improve on that previous one win in 2014,” saad ni Reyes.

Kinumpara pa ni Reyes na mas naging mahirap daw ang landas ng Gilas noong 2014 kaysa ngayon dahil tanging Serbia lamang ang kasama sa top 10 sa Fiba ranking na makakaharap ng Team Pilipinas, iba umano sa kanila na nakaharap ang bigating koponan ng Argentina, Croatia at Greece.

Sa report naman ng Manila Bulletin sa kanilang panayam kay Guiao, nirerespeto nito ang opinyon ng dating Gilas coach ngunit malabo na mas magiging madali ang kanilang kampanya ngayon dahil bawat koponan ngayong World Cup ay paniguradong paghahandaan na ang PH Nationals.

“He is entitled to his own opinion. “But the Top 20 teams noon, medyo di nagkakalayo, except maybe for the US and Spain. Outside these two teams, puwedeng magkaroon ng upset sa top 15 teams. Any team can beat the other,” ayon kay Guiao.

“If before they were complacent and took us for granted, they will not be the same this time. We’ll be scouted and prepared for by those teams. As I’ve said, conditions are different,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?