440

Jan 27, 2020 @ 18:26
By

Gigi Bryant, magaling na basketbolista

Nanghinayang ang madla nang malaman ang balitang kasamang pumanaw sa helicopter crash ang 13-anyos na anak ni NBA Legend Kobe Bryant na si Gianna Maria-Onore o “Gigi.”

Nasawi si Bryant, 41, kasama ang anak at pito pang indibidwal sa Calabasas, California nitong Lunes (Manila time).

Ikalawa sa apat na babaeng anak nina Kobe at Vanessa, si Gigi ang nagtulak kay Black Mamba na manood ulit ng basketball matapos nitong magretiro noong 2016.

Binida rin ni Kobe sa isang panayam, na kapag may magsasabi sa kanyang dapat magkaanak sila ni Vanessa ng lalaki, sasabihin agad ni Gigi: “Oy, I got this. You don’t need no boy for that. I got this.”

Parte si Gigi ng high school team nila na Sierra Canyon Trailblazers, at ng “The Mambas” kung saan coach ang tatay niya.

Ginustong maglaro ng basketbolista sa WNBA, at para sa UConn Huskies women’s team.

Kabisado rin ni Kobe ang mga paboritong manlalaro ng anak: sina Trae Young, Luka Doncic, James Harden, Russell Westbrook at LeBron James.

Nasawi ang mag-ama na papunta sana sa isang basketball tournament sa Mamba Sports Academy sa Thousand Oaks, kung saan maglalaro sana si Gigi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?