47

Feb 12, 2020 @ 10:16
By

Giannis isa nang popshie

Ganap na tatay na ang NBA Greek Freak na si Giannis Antetokounmpo matapos i-welcome ang kanyang bagong panganak na panganay.

Makikita sa tweet ng reigning MVP at Milwaukee Bucks star ang litrato ng kanyang anak na pinaskil niya, pinangalanang Liam Charles Antetokounmpo.

@Giannis_An34: “Liam Charles Antetokounmpo in the house.”

Ito ang una niyang anak sa kanyang long-time girlfriend na si Mariah Riddlesprigger.

Absent ngayon ang All-Star forward sa laban ng Bucks kontra Sacramento Kings dahil sa sinamahan niyang mag-deliver ng bata ang kanyang nobya.

May average na 30.0 points, 13.5 rebounds, at 5.8 assists ang 6-foot-11 forward na siya rin ang napiling leader para sa All-Star Eastern Conference na binansagang ‘Team Giannis’ para sa 69th NBA All-Star Weekend Pebrero 14-16 sa Chicago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?