42
GF ni Bradley asar kay Lady Gaga
By

GF ni Bradley asar kay Lady Gaga

Hindi umano ikinatutuwa ng girlfriend ni Bradley Cooper na si Irina Shayk ang pagkakaugnay ni Lady Gaga sa kanyang beau.

Dahil sa pagkainis ni Shayk ay in-unfollow umano nito ang “Poker Face” singer sa Instagram.

Ito’y sa kabila na itinanggi na ni Gaga na may namamagitan sa kanila ni Cooper sa “Jimmy Kimmel Live”.

Naubos na umano ang pasensiya ni Shayk dahil sa “very cosy singing” nina Gaga at Cooper ng Shallow sa Oscars.

Ibinunyag ng The Sun na asar na ang Russian beauty sa ‘close’ relationship ni Bradley kay Gaga.

“The stories about Irina being sick of Gaga have some truth to them – it’s not that she dislikes Gaga or is jealous of her, but she’s sick of the constant stories about her ‘close’ relationship to Bradley. She’s no stranger to cheating rumours – she dated Cristiano Ronaldo after all – but it’s been a long publicity campaign and she’s ready for it to end. It’s undeniable that Gaga and Bradley have chemistry – they have a lot more in common than Irina and Bradley – but that’s why the movie worked,” sabi ng source ng The Sun.

Nagsimula ang relasyon nina Bradley at Shayk noong 2015.

Mayroon na silang anak, si Lea De Seine na isinilang noong 2017.

Habang si Gaga ay kamakailan lang nakipaghiwalay sa kanyang fiance na si Christian Carino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?