40
GF ni Aljon Mariano rarampa sa Miss World Philippines 2019
By

GF ni Aljon Mariano rarampa sa Miss World Philippines 2019

Todo-suporta si Barangay Ginebra Gin Kings Aljon Mariano sa kanyang girlfriend na si Kayesha Chua na sasalang sa Miss World Philippines 2019.

Sa kanyang post sa Twitter (@aljonmariano), proud na proud ang basketbolista sa kanyang kasintahan.

“A new journey begins. Let us all support the queen @kayeshachua your Miss World Philippines candidate #11 as she aims for the crown. #DIIZZZIIZZITTT #TGBTG #KayeshaChua #MWP2019 @MsWorldPhil,” aniya.

Matatandaang certified kontesera si Kayesha Chua dahil sumabak na rin ito kahit sa Binibining Pilipinas pageant.

Maalaala na todo-suporta rin si Chua kay Mariano nang lumaban ang mga ito sa semifinals ng PBA kontra TNT KaTropa.

Kabilang si Chua sa 40 na kalahok na nakapasok sa final screening ng Miss World Philippines noong Agosto 4, na ginanap sa C3 Events Place sa San Juan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?