952

By

Get a life! ‘Issa Pressman’ binida ang ‘nobya’

Habang nili-link sa hiwalayang Nadine Lustre at James Reid, nag-post sa Twitter ang isang “Issa Pressman” ng mga larawan kasama ang umano’y partner na si Marga Mermudez.

May Twitter handle itong @pressmanissa1 at binida pa sa serye ng mga tweet ang kanyang girlfriend.

Pinaringgan din nito ang mga basher niya matapos lumabas ang video ng umano’y halikan nila ni James sa Digistar PH party sa Aqua Boracay sa Aklan noong Disyembre 2019.


Hindi ito ang tunay na account ni Issa Pressman (@issapressman) sa Twitter.

Poser account ito ni Issa, isa sa marami pang naglipanang mapagpanggap na account.

Naghiwalay na rin sina Issa at Marga, nauna pang maghiwalay kina James at Nadine.

Ang huling tweet–or quote tweet–ng visual artist na kapatid ng British-Filipina aktres na si Yassi Pressman ay noong Enero 11, tungkol sa sinulat ng ABS-CBN Lifestyle tungkol sa mga hairstyle niya.


Nilabas nitong Lunes ng gabi, Enero 20, sa “Tonight with Boy Abunda” ang joint statement nina Nadine at James kung saan sinabi nilang kaya sila naghiwalay ay upang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga career at personal growth gayong bata pa sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?