14,814

By

‘Gerald, King Badger pinasa ang baton kay James’

Lipas na si Gerald Anderson at King Badger; si James Reid na ang tinuring ng madla na “cheater king.”

Ito, matapos kumalat ang video ng umano’y pakikipaghalikan ni James kay artist Issa Pressman, habang nakatalikod si Nadine Lustre.

Nagwakas na ang ilang buwang haka-haka sa lagay ng relasyon ng real-life celebrity loveteam na JaDine kagabi, Enero 20, nang ilabas nila sa “Tonight with Boy Abunda” ang kanilang joint statement kung saan kinumpirmang naghiwalay na nga sila.

Doon, sinabi nina Nadine at James na kaya sila naghiwalay ay upang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga career at personal growth gayong bata pa sila.

Gayunman, mas pinaniwalaan ng maraming netizen ang video ng umano’y pangangaliwa ni James sa Digistar PH party sa Aqua Boracay sa Aklan noong Disyembre 2019.

Matatandaang last year, naging maugong ang break-up nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Dinadawit dito ang “Between Maybes” co-star ng aktor na si Julia Barretto.

2019 din naging maingay ang hiwalayan nina Ex-Battalion member King Badger (real name Jon Gutierrez) at model-actress Jelai Andres dahil sa umano’y pangangaliwa ng una.

Kaya naman, ayon sa ilang netizen, pinasa na ni Gerald at Jon ang “cheater baton” kay James ngayong 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?