102

By

Gelli, Ariel ayaw nang magka-baby girl

Matagal nang mag-asawa sina Gelli de Belen at Ariel Rivera.

Biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki na sina Joaquin at Julio na kapwa na mga binata at nag-aaral sa Canada.

Marami tuloy ang nag-iisip kung bakit hindi na sinundan nina Gelli at Ariel si Julio na isinilang noon pang November 2000.

At kung hindi ba ginusto ng mag-asawa na magkaroon ng isang prinsesa.

Sa report ng Pep, ikinuwento ni Gelli ang dahilan nito.

“Hindi na uubra, e. I had a very complicated pregnancy with my second. Sarado na ang pabrika. And siguro yun talaga ang plano ni Lord sa amin,” sabi ng ‘Ika-5 Utos’ actress.

Para naman kay Ariel, ayaw niyang magkaroon ng anak na babae dahil mahirap umanong magpalaki nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?