19

By

Gay, Aldridge binuhat ang Spurs kontra Sixers

Umiskor si Rudy Gay ng 21 points habang nagtala si LaMarcus Aldridge ng 20 points at 10 rebounds, sapat para itumba ng San Antonio Spurs ang Philadelphia 76ers, 123-96.

Ito na ang ika-limang panalo ng Spurs sa anim na laro.

Abante ng 11 puntos sa halftime ang Spurs at napalobo pa ito sa third quarter, 79-53.

Pagtungo sa fourth quarter ay napanatili pa rin ng San Antonio ang malaking kalamangan habang naglaro na pagod ang 76ers matapos ang back-to-back game nila na nagsimula noong Linggo sa Cleveland.

Samantala, nanguna sa Philadelphia sina JJ Redick at Ben Simmons na may tig-16 puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?