323
sherwin-gatchalian
Jun 5, 2018 @ 15:56
By

Gatchalian: Walang nasaktan sa halik ni Digong

Sinupalpal ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga bumabatikos kay Pangulong Duterte dahil sa paghalik sa labi sa isang Filipina habang nasa isang pagtitipon sa South Korea.

Diin ni Gatchalian, wala namang nasaktan sa ‘halikan’ dahil pumayag ang babae.

Bago rin ito halikan ng pangulo, nagkaintindihan sila na biruan lang iyon para pasayahin ang mga tao sa pagtitipon.

“Yung OFW wala namang malisya. It was done out of curiosity of the crowd. Wala naman pong na-offend especially the female party so it was mutually consented,” ayon kay Gatchalian.

“Sa pagkaalam ko sa istorya at sa video na nakita ko, parang nag-agree naman silang dalawa na gawin yun. So kung baga wala namang nasaktan, pumayag naman sila sa isa’t isa,” dagdag nito.

Ikinumpara ito ng senador sa mga artistang may asawa pero may mga eksena ng halikan sa pelikula o palabas sa telebisyon.

“As long as it is kept professional and there’s understanding between the partners then siguro pwede nilang gawin ‘yun,” sabi pa ni Gatchalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?