189

May 23, 2020 @ 21:02
By

Gatchalian kay Echiverri: Anong klaseng public servant ka?

Matapos tulugan ang kanyang Senate online hearing, pinuna ni Senador Sherwin Gatchalian si Department of Interior and Local Government Assistant Secretary Ricojudge Janvier Echiverri.

Anang senador, anong klaseng public servant si Echiverri na tinutulugan ang hearing at hindi marunong rumespeto sa institusyon.

“What kind of a public servant is this? This is very disrespectful to the institution,” reaksyon ng mambabatas matapos mahuli sa camera si Echiverri na natutulog sa organization meeting ng Joint Congressional Energy Commission na pinangunahan ni Gatchalian noong Biyernes.

Kaugnay nito, isang resource person sa online hearing ng Kamara ang nahuli rin sa camera habang nasa kubeta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?