251

Feb 13, 2020 @ 17:24
By

Gatchalian: Duterte pwedeng sumalang sa imbestigasyon ng Senado sa ABS-CBN franchise

Maaaring ipatawag ng Senado si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-iimbestiga ng ABS-CBN franchise renewal na mapapaso na sa March 30, 2020.

Ito’y lalo pa’t hindi tinatago ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya’y hindi pabor na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, dahil umano hindi pinalabas ng network ang kanyang mga campaign advertisement noong 2016.

Iimbitahan ang mga opisyal ng ABS-CBN, maging ang mga kumokontra sa renewal ng network para mapag-usapan ang pagpaso ng prangkisa ng Kapamilya network.

Isa sa pwedeng imbitahan ay si Duterte.

“Pwede syang imbitahan kung gusto nyang pumunta, but this is a venue para mapag usapan. Ang importante dito mapag-usapan,” saad ni Senador Sherwin Gatchalian.

Pwede naman daw magpadala ng ibang tao si Duterte sa hearing at magbigay na lang ng letter para maipaabot ang kanyang saloobin sa franchise renewal.

“Nakita naman natin in the past that presidents and secretaries can be represented by their counsels,” aniya pa.

Nilalakad na ni Senadora Grace Poe ang probe ng Senado tungkol sa terms at conditions ng TV network at kung may nalabag ba sila dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?