46

By

Garcia, Potts sinalo ng Phoenix

Nakahanap na rin ng bagong tahanan sa PBA si RR Garcia – sa Phoenix.

Sinalo ng Fuel Masters si Garcia, pati si Davon Potts, mula sa free agency.

Sa Twitter, winelcome ng Phoenix ang dalawa:

“Official: We’ve signed Davon Potts and RR Garcia.”

Inilagay ng TNT si Garcia sa reserved list sa nakaraang season pa, ‘di na pinaglaro.

Nag-expire ang kontrata ni Garcia sa KaTropa nitong Aug. 30, pareho ng expiration ng deal ni Potts sa Alaska.

Nakipag-tryout na si Garcia sa Rain or Shine pero ‘di kinuha ng Elasto Painters.

Si Potts ay ‘di rin nagagamit sa Aces. Nang mag-expire ang kontrata ay naglaro siya sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Magiting Cup para sa Phenom-Basilan Steel, at sa Zamboanga Valientes sa Manila Challenger.

Dadatnan ng dalawa sa backcourt ng Phoenix sina LA Revilla, Alex Mallari, Matthew Wright at RJ Jazul.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?