81
Gang leader todas sa shootout sa Tondo
By

Gang leader todas sa shootout sa Tondo

Patay matapos umanong manlaban sa pulisya ang isang lider ng Supremo crime gang habang apat pa ang naaresto sa Tondo, Manila nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group, ihahain sana ang search warrant laban sa mga suspek na sina Salazar Santos, crime gang leader; Amora Gabon; Jericho Magora; Aileen Andrade; Jayson Landicho at Maria Fe Alivario sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition sa Permanent Housing sa Balut dakong alas-9:10 ng umaga.

Nagpaputok umano ng baril si Santos kaya napilitan ang mga pulis na barilin din siya na nagresulta sa pagkasawi ng una habang naaresto sina Gabon, Magora, Andrade at Landicho. Nakatakas naman si Alivario.

Nakumpiska sa mga nadakip na suspek ang isang caliber .45 pistol, dalawang granada, dalawang caliber .38 revolver, tatlong bala ng caliber .38, isang Super .38 pistol, isang magazine, limang bala ng Super .38, isang caliber 9 mm pistol, at 66 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P50,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?