645
Gandang bagong gising ni Lucy, humakot ng papuri
By

Gandang bagong gising ni Lucy, humakot ng papuri

Hinangaan ang mala-diyosa pa ring ganda ni Lucy Torres kahit wala itong make-up at bagong gising.

Sa video post ng mister niyang si Richard Gomez, makikita ang reaksiyon ni Lucy nang malaman na video pala ang ginagawa ng una na akala niya’y picture lang.

“ Ito talaga yung waking up to this,” sabi ni Goma sa caption.

Makikita sa video ang mamula-mulang kutis ni Lucy kahit pa ito bagong gising.

Marami tuloy ang pumuri sa ganda ni Lucy.

“Dyan mo makikita ang tunay na ganda pag gising sa umaga. Si Lucy lang ang meron nyan. Real beauty inside and out. Love you both.”

“Ganda p dn khit bgo gising.”

“Grabeeeee dyosang tunay madam lucy.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?