126

Jun 29, 2020 @ 21:40
By

Gamot sa COVID, 155K ang presyo!

Masakit sa bulsa ang magkasakit, ngunit mauubos ang inyong mga ipon sakaling matamaan ng COVID-19.

Ito’y matapos ilabas ng Gilead Science ang kanilang presyo para sa remdesivir, ang antiviral drug na dinivelop para sa new coronavirus.

Ayon sa kompanya, para sa mga may commercial insurance ay magkakahalaga ng abot sa $3,120 o abot sa P155,000 ang kakailanganin para sa gamutan gamit ang remdesivir.

Noong Mayo ay binigyan na ng authorization para magamit ang remdesivir laban sa COVID-19, nag-donate ng ilang dose sa US government ngunit ngayon ay ilalabas na ito para sa commercial use.

“Whether you’re covered by a private insurer, whether you’re covered by a government insurer, whether you’re uninsured with Covid-19, there will not be an issue for access with remdesivir,” ayon kay Gilead CEO Daniel O’Day.

Ang mga pasyenteng gagamutin sa remdesivir ay sasalang sa limang araw na treatment gamit ang anim na vial ng nasabing gamot.

Posibleng umabot pa sa doble ang gastos kung sakaling kailanganin ng 10 araw na tratment ng isang pasyente.

“At the level we have priced remdesivir and with government programs in place, along with additional Gilead assistance as needed, we believe all patients will have access,” ayon pa kay O’Day.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?