37
Gamot para sa mental illness, pinalilibre sa VAT
By

Gamot para sa mental illness, pinalilibre sa VAT

Isinusulong ni Senador Koko Pimentel ang panukalang batas na layong paligtasin sa Value Added Tax (VAT) ang mga gamot para sa mental health condition.

Sa kaniyang Senate Bill No. 2193 ukol dito, pinaaamyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997, Section 109.

Ayon kay Pimentel, noong maisabatas ang Mental Health Act ng nakaraang taon, nakabilang na ang pagtugon dito sa basic health services ng gobyerno pero hindi nito napababa ang presyo ng mga gamot para sa mental health.

“To sustain the treatment or prevention of mental health conditions, it is imperative that drugs and medicines are made affordable,” sabi ni Pimentel.

“To bring down the cost of drugs and medicines prescribed for mental health conditions, this bill proposes to exempt them from the imposition of VAT,” giit nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?