28
underwear
By

Game official, pinatataas ang shorts ng mga player

Sa tunnel bago ang isang World Cup match, may isang game official na lumalapit sa players para ipataas ang mga short.

Hindi naman ipinabababa, kundi pinalililis lang pataas mula sa legs.

Gustong makita ng official ang undershorts ng players.

Karaniwan na itong ginagawa bago ang soccer match.

Baka may itinatago ang player? Ano ang hinahanap ng official?

Sinisiguro lang ng official na match o magkatulad ang kulay ng undershorts sa kanilang regular shorts. May rule ang FIFA na kailangan kasingkulay ng undershirts o undershorts ang uniporme ng player. Kung undershirt, kailangan kakulay ng shirt. Kung undershorts, kailangan kakulay ng top shorts.

Sa Euro 2012, pinagmulta si Nicklas Bendtner ng Denmark dahil green ang undershorts niya samantalang red ang uniporme nila. Tinaas niya ang damit, nakita ang undershorts na may tatak na Paddy Power, isang betting company. Ang kompanya ang nagbayad ng multa ni Bendtner.

Noong 2011 sa isang Football Association Youth Cup match sa England, limang players ng Bath City ang pinalabas dahil magkaiba rin ang kulay ng undershorts sa shorts.

Big deal sa kanila ‘yun, pero ‘yun din ang rules na dapat sundin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?