169
Gallinari umariba, Clippers swak sa playoffs
By

Gallinari umariba, Clippers swak sa playoffs

Pumanlima sa Western Conference teams ang Los Angeles Clippers na nakaselyo ng postseason berth matapos paamuin ang Minnesota Timberwolves, 122-111, Martes ng gabi (Miyerkoles ng umaga sa PH).

Tumipa ng 25 points si Danilo Gallinari para iabante ang Clippers sa playoff spot.

Balik postseason ang bataan ni Coach Doc Rivers matapos mabigo noong nakaraang taon.

Nagawang mapalobo ng hanggang 25 points ng LA ang kalamangan nila bago ito natapyasan ng Minnesota sa fourth quarter, 104-98, sa pamamagitan ng 3-pointer ni Karl-Anthony Towns.

Si Montrezl Harrell ang naging susi ng Clippers para makalayo muli sa Timberwolves.

Sampu sa kanyang 18 points ang iginanti niya sa tangkang paglapit ng Minnesota matapos maibaba sa anim na puntos na lang ang lamang ng Clippers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?