570

Feb 24, 2020 @ 18:44
By

Gabby Lopez, US citizen? Bato supalpal sa mga netizen

Binuska ng mga netizen si Senador Ronald “Bato” dela Rosa matapos ungkatin ang ulat na isang US citizen si ABS-CBN Corporation chairman Gabby Lopez.

Sa naging pagdinig sa Senado ng renewal ng prangkisa ng TV network, tuwiran itong sinagot ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, na ang pagkakaalam niya ay isang Filipino si Lopez, na ang ama ay isa ring Filipino.

Sabi ng mga netizen, minsan lang daw tumalak ang senador ay supalpal pa ang inabot nito kaya nag-trending sa Twitter ang US Visa hashtag.

“Ladies and gents… ang minsan lang tumalak supalpal pa.. bato “iyakin” dela rosa!! mukang masusupalpal din ng mga documents ng pagpapatunay ng citizenship ng mga ABS bosses…” ani

@qingfootah.

Nagmamaktol din daw ang senador dahil nakansela ng US visa nito.

“Hirap sayo hanggang ngayon ngttantrums ka kasi nadenied visa mo. Malaman ko lang na ngreapply kang hayop ka!! Ewan ko na lang sayo!” ani @kathalulod.

“Ang bitter sa US Visa. Senator Ba’to’s questions does not reflect his doctorate degree,” wika ni @iamrobimarion.

Sinermunan naman ni @Cedric09451914 si Dela Rosa na taga-Iloilo ang mga Lopez.

“Bato Dela Rosa. Lopez is originally taga iloilo.sila ..ilubong taka to sa ila nga hacienda,” sabi ni @Cedric09451914.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?