84

Apr 18, 2020 @ 17:31
By

Frontliner dog kinagiliwan sa social media

Kinatuwaan sa social media ang frontliner dog na si ‘Ligaw’ na kasama umano ng mga opisyal sa pamimigay ng ayuda sa Sampaloc, Manila.

Ayon sa post ng Go Rizal, ipinost ng isang Dave Manzano Fuentes ang larawan ni Ligaw na may suot na quarantine pass at sumasama sa mga relief operation.

Aniya, si Ligaw ay isang asong gala na kinupkop ng barangay chairman ng Sampaloc na si Kapitan Edmond Dela Paz.

Umani ng sari-sariling reaksyon sa social media ang larawan ni Ligaw.

Saan ng netizen na si Zhander Young, mas nakakaintindi pa umano ang aso kaysa sa may pinag-aralang tao.

Ani naman ni Melanie Villanueva, isang magandang impluwensya sa tao ang asong si Ligaw at saludo siya rito.

Biro pa ng isa, habulin at kagatin sana ni Ligaw ang mga pasaway na lumalabas ng bahay sa kabila ng banta ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?