147
'Frontliner din kami': Basurero sa QC nanawagan ng tulong, pagkilala
Mar 30, 2020 @ 21:07
By

‘Frontliner din kami’: Basurero sa QC nanawagan ng tulong, pagkilala

Nanawagan ang isang garbage collector na si Alquin Flores kay Quezon City Joy Belmonte na sana’y mabigyan ng pansin ang mga nangangailangan.

“‘Yung mapansin lang kami ni Mayor Joy Belmonte ang panawagan ko, lalo na ‘yung mga higit na nangangailangan. Marami na ang galit sa kanya dahil sa paraan ng pamamalakad niya,” sabi ni Flores sa panayam ng PEP.

“Ganoon pa man, gawin niya ang lahat ng makakaya para rin sa sarili. Alam ko na napakahirap maging mayor. Siya ang nanay ng buong Quezon City, basta gawin niya ng tama ‘yung obligasyon niya sa bayan,” dagdag nito.

Samantala, sa naging viral post ni Flores sa Facebook, umaasa siya na mabigyan din ng pantay na pagpapahalaga ang mga basurero na tulad aniya ng mga health worker at iba pang nasa frontline ngayong mayroong coronavirus outbreak.

“‘Wag nyo kalimutan na frontliner din ang mga BASURERO..Nakita nyo yang mga ngiti nmin sa kabila ng pang mamaliit ng ibang tao sa trabaho nmin..Lahat ng panglalait nalunok na nmin sa ibat-ibang uri ng residente na hinahakutan nmin ng basura…May pamilya din kmi na umaasa na mkakauwi kmi ng ligtas at walang dalang salot/virus,” sabi niya sa post.

“Ibida nyo nmn kmi khit papano khit pampalubag loob man lng.” sabi rin nito.

Ayon pa sa panayam kay Flores, limang taon na siyang naglilingkot bilang basurero. Hindi pa aabot aniya sa P150 ang kanyang kinikita sa isang araw, kapalit ng kung minsan ay nasisigawan pa ng ilang residente.

Ngayong kumakalat ang virus, marami umano silang nakukuhang facemask at natatakot sila sa posibleng virus na mayroon dito.

Umaasa si Flores ng tulong mula sa lokal na pamahalaan. Mayroon naman umanong nagbigay sa kanila ng donasyong face at sabon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?