108

Mar 18, 2020 @ 16:54
By

‘Friendship Route’ sa Las Piñas, sinara

Sinara na ang mga Friendship Route sa Las Piñas.

Ang Friendship Route ay mga lagusan sa loob ng iba’t ibang mga subdivision sa lungsod para magkaroon ng ibang dadaanan maliban sa Alabang-Zapote Road na parating ma-traffic.

Ang mga hindi noon pumayag magbukas ng Friendship Route ay iniipit ng Las Piñas City Hall tulad ng hindi pagkokolekta ng kanilang mga basura ng isang buwan.

May mga residenteng tumututol sa Friendship Route dahil ang pagbubukas ng mga ito ang simula ng pagtaas ng krimen sa kanilang lugar lalo na mga nakawan.

Unang nag-anuniyo ng pagsara ang BF Resort Village kung saan nakatira sina Senador Cynthia Villar.

Sa inilabas na pahayag sa mga residente, sinabi ng homeowners association na isasara na rin ang tulay nina Villar sa subdivision na nagkakabit sa Villar Farm sa Bacoor, Cavite, pati na ang daanan ng pedestrian sa Prinza Dam na sa Villar Farm din ang lagpak.

Sabi ng BF Resort, tanging homeowners at residente lamang ang papapasukin nito at ang mga walang sticker na residente ay kailangang magbigay ng patunay na doon sila naninirahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?