417

Friendship goals? Julia damay sa hiwalayang JaDine

“Birds of the same feather flock together,” – ang tugon ng maraming netizen matapos mapag-alamang magkaibigan sina Julia Barretto at Issa Pressman.

Ang huli, na kapatid ng British-Filipina aktres na si Yassi, kasi ang tinuturong third party sa hiwalayang James Reid at Nadine Lustre.

Si Issa umano ang kahalikan ni James habang nakatalikod si Nadine, sa isang video sa Digistar PH party sa Aqua Boracay sa Aklan noong Disyembre 2019.

Matatandaang last year, naging maugong ang break-up nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Dinadawit dito ang “Between Maybes” co-star ng aktor na si Julia.

Sabi ng mga netizen, magtropa talaga ang dalawang “ahas.”

“Issa Pressman, graduate of Bachelor of Arts in Boyfriend Stealing at the prestigious Julia Barretto School of Cheating,” sey ni @jlisover.

Nagwakas na ang ilang linggong haka-haka sa lagay ng relasyon ng real-life celebrity loveteam na JaDine kagabi, Enero 20, nang ilabas nila sa “Tonight with Boy Abunda” ang kanilang joint statement kung saan kinumpirmang naghiwalay na nga sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?