65
Clinic na namatayan ng pasyente sa lipo, kinandado
By

French bank sa PH, nagsara

Isinara na ng French bank na BNP Paribas ang offshore banking unit nito sa Pilipinas.

Nagbukas ang tanggapan nito noong 2001.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, inaprubahan na ng Monetary Board ang pagsasara ng BNP Paribas-Manila Offshore Banking Unit noong Agosto 9, 2019 sa ilalim ng Resolution No. 1203.

Ang BNP Paribas ang nagpautang sa Metropolitan Water and Sewerage System taong 2004 nang nagkaproblema ito sa Maynilad Water Services Inc. ni Manny V. Pangilinan.

Ang offshore banking unit ang pinakamaliit na tanggapang binubuksan ng mga dayuhang bangko sa bansa.

Sa pagsasara ng BNP Paribas, iisa na lang ang tinatawag na offshore banking unit sa Pilipinas at ito ang Taiwan Cooperative Bank.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?