681

Frankie pinatulan si Duterte: Pati ako, ayaw na ni Sharon sa bahay

Nakisakay si Frankie Pangilinan tungkol sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinapalayas na ng nanay ang kanyang tatay sa bahay.

Sa isa na namang tirada kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan, inakusa ng Pangulo na pinalalayas na ito ni Sharon sa bahay nila.

“Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo,” hayag ni Duterte sa kanyang Bonifacio Day speech sa Caloocan kahapon.

Sa Twitter, pabirong sinabi ni Frankie na “hala buti pa siya (Duterte) alam.”

Dagdag niya, nadamay din daw siya kaya siya nasa New York ngayon. Kasalukuyang nag-aaral si Frankie sa Amerika.


Sinisisi ng Pangulo si Pangilinan na nanguna sa pagpapataas ng minimum age of criminal liability sa 15 anyos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?