806

By

Fran Yu aminadong nasaktan sa mga basher

Kasunod ng cyberbullying na natanggap ni Letran guard Fran Yu nung naglalaro pa siya para sa UE Red Warriors noong UAAP season 78 ay tila ginawa naman niya itong motivation para maging isang magaling na manlalaro.

“Yung cyberbully na ‘yun ginawa kong motivation yun para pakita dun sa nang-bully sa akin na kung sino talaga ako,” pahayag ni 5-foot-10 guard matapos gumawa ng heroic game mula stepladder semis hanggang game 1 Finals.

Matatandaan na nakatanggap si Fran ng masasakit na salita mula sa social media dahil sa kanyang itsura noong sa UAAP pa siya naglalaro matapos sabihan na siya ay mukhang ‘namamasada’ lamang.

“Na-down ako nun eh. Siyempre ginagawa ko naman yung best ko lagi tapos may ganun [cyberbully] parang distraction talaga eh. Kasi nasa laro and iniisip mo na kailangan mo magpakita.”

“Bahala sila doon. Hindi mo naman ma-cocontrol mga utak nung mga yun eh. Kung ano gusto nilang sabihin, I’ll prove them wrong nalang,” sambit pa ng 95th NCAA Season Most Improved Player. (Aivan U. Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?