78
Fortea, NU ginarote ang Isabela Colleges
By ,

Fortea, NU ginarote ang Isabela Colleges

Inilampaso ng Nazareth School of National University-Manila ang Isabela Colleges-Cauayan 135-45 sa 2019 Chooks-to-Go NBTC SM National Finals, Martes sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Pasimuno sa opensa para sa Bullpups si Terrence Fortea na may 19 puntos, sa likod ng apat na tres, habang umayuda naman si Steve Nash Enriquez ng 17 puntos kasama ang dalawang rebounds at dalawang steals.

“Actually, nag-usap na kami before the game how to be consistent sa ginagawa namin,” sabi ni NU coach Goldwin Monteverde. “We had a great campaign in the UAAP and nag-pick up din kami sa tinatakbo namin.”

Pinatunayan ng Bullpups kung bakit sila ang defending national champions nang sa unang canto palang ay tinambakan na nila ang Isabela Colleges, 37-5 hanggang sa umalagwa pa ito nang husto at pinoste 93 puntos na bentahe sa payoff period.

Nagpakita rin ng dominasyon ang FilAm Sports USA nang padaapain nito ang Perpetual Help-Jonelta Laguna, 86-55, sa pangunguna ni Kainoa Ballungay na may 24 na puntos at 10 rebounds sa kanyang pangalan.

Umalalay din sa tropa si Jeron Artest, anak ng NBA champion na si Metta World Peace na may 12 puntos, 10 boards at anim na assists habang ang reigning FIBA U-17 World Cup MVP na si Jalen Green ay may 11 puntos.

Nagpakitang-gilas din ang Far Eastern – Diliman ng makabalik at nakawin pa ang panalo kontra St. Augustine Pampanga, 90-86.

Tambak ng 12 puntos, 69-57 sa third, nagawa pang baliktarin ng Baby Tamaraws ang laro sa pagkakagising ni RJ Abarrientos na pumoste ng 21 puntos, 16 dito ay mula sa fourth hanggang nakawin na nito ang panalo.

Sa Palm Coast Marina naman, ang buzzer beater shot ni Vance Caterbas ang nagpaangat sa Southern Philippine Colleges-Cagayan ang masungkit ang 69-67 na panalo kontra AusPinoy Australia habang ginulat naman ng Calayan Educational Foundation – Lucena ang Team Italy Europe Proudly Pinoy sa 69-63 na panalo at nakasungkit din ng panalo ang reigning NCAA champs na Mapua University kontra Zamboanga del Sur National High School Pagadian, 54-46.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?