35

Feb 20, 2020 @ 18:21
By

Formula One star may Kobe helmet

Kakakaibang gimik ang pakulo ni Australian Formula One superstar Daniel Ricciardo sa pagbibigay-pugay sa yumaong NBA legend na si Kobe Bryant.

Nagpagawa ito ng customized Kobe helmet bilang pagkilala kay Black Mamba.

May kulay na purple at may nakasulat na ‘KB8’ at ‘KB24’ ang nasabing helmet.

Kinumpleto pa nito ang lahat ng iniwang marka ng Lakers legend dahil may nakasulat pang ‘Mamba Mentality’ at drawing na ahas sa nasabing helmet.

Gaya ni Kobe, si Ricciardo ay nakatira rin sa LA at big supporter din ito ng NBA kaya malaki ang pagtanaw at panghihinayang nito sa pumanaw na basketball star.

Ang nasabing helmet ay posibleng gamitin ni Daniel sa paparating niyang karera sa Australian Grand Prix na gaganapin sa susunod na buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?