103

By

Footbridge itinengga sa Baguio, walang hagdan

Mahigit isang taon na umanong hindi natatawiran ang itinayong footbridge sa Baguio City dahil hindi ito nilagyan ng hagdan.

Hindi umano natapos at natengga nang matagal na panahon na walang akyatan ang footbridge sa Mabini Street, ayon sa 24 Oras report.

Sinuspinde umano ang proyekto dahil hindi pa nailabas ang karagdagang pondo para rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?