38

By

Football star David Beckham darating na sa ‘Pinas

Bukas ay masisilayan na ng mga Pinoy fan ang football phenom na si David Beckham para sa pagpunta niya sa bansa sa ikalawang pagkakatoan.

Bukas ay makikita si Beckham sa AIA Philam Life #LiveBetter Expo sa Enderun Colleges, Taguig.

“Excited to be in the Philippines for this incredible Expo. See you there!,” ayon kay Beckham sa Facebook post ng Philam Life.

Dating sumalang si Beckham kontra Philippine Azkals para sa LA Galaxy squad noong 2011.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?