198
Food plaza na exclusive para sa mga Chinese, kinandado
By

Food plaza na exclusive para sa mga Chinese, kinandado

Ipinatigil muna ng Department of Trade and Industry (DTI) ang operasyon ng isang food hub sa Las Piñas na mga Chinese lang umano ang pwedeng kumain.

Ito umano ay matapos ang ginawang inspeksiyon sa China Food City restaurant na nakitaan ng iba’t ibang paglabag.

Sinilip ng inspection team ng DTI ang nasabing food plaza matapos kumalat sa social media na Chinese nationals lang ang pwedeng kumain doon.

Nang pumasok sa naturang restaurant, napansin ni DTI Secretary Ramon Lopez na nagpulasan ang mga empleyado nito.

“Di malinaw ‘yung tumakbo kanina. Walang permit sigurado. Di natin sinasabi iligal ‘yun. Ang pinapa-prove lang natin kung ‘yung store dito ay may permit bawat isa, kung kanya-kanya ang negosyo. Kung isa lang may-ari, dapat isang permit at isang resibo. Kung nagkakanya-kanyang registration, kanya-kanyang sanitation permit,” ani Lopez.

Maliban sa business permits, nakita rin ang mga grasa at dumi na umaagos direkta sa creeks at kawalan ng English at Filipino translations sa mga menu at resibo doon.

“Dito ang dami nating nakitang violation. Sinabi soft launch lang, the way it looks sabi two weeks pero parang two months. Di pa dapat ito nagbubukas,” ani Lopez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?